taong mil nueve y sientos noventa y sais
kahoy na balangkas, unti unting tinitistis
pag buo ng istraktura, naplano ng mabilis
pagtatayo ng isang bayan, bawat isa ay nais
isang grupo ng mangangalakal ang siyang may dala
grupo ng mga banyagang hatid ay tuwa't saya
isang bagong bayan, isusulong nila
sa ating pakikipagkaisa, tulong tulong nagsimula
at hindi nag lumaon, isang bayan ang naitatag
sa tulong ng banyaga at tayong masisipag
naghagilap ng mamamayan upang bayan ay umunlad
isang bayan ng pag-asa sa puso nati'y natupad
isang banyaga ang lahi, sa bayan ay namuno
sa kagustuhan na din ng bansang s'yang nagplano
masipag at matalino, mapagkumbaba syang tao
nagtagumpay ang bayan, dahil sa kanayang pagkamaginoo.
taon ay lumipas, ang bayan ay umunlad.
dumami ang mamamayan, dahil sa pamumunong walang katulad
dumami ang tumangkilik, produkto'y naging matatag
nagkakaisang bayan, mataas ang lipad
ngunit sa bawat tagumpay, may lungkot ding hatid
ang mapitagang pinuno, kapangyariha'y mapapatid
may dumating na panauhin, sa atin ay nagmamasid
pumalit sa ating pinuno, masakit sa ating dibdib
mula ng mag-umpisa ang bagong pamunuan
iba't ibang masamang ugali, unti unting naglabasan
ugaling ang dapat ay sa hayop lang nakalaan
mapapansin sa kapwa pinoy nating mamamayan
tumagal ng ilang taon sa pamunuang ipinalit
karapatan ng mamamayan tuluyan na ngang lumiit
ngunit ang mga hayop, malimit kung sumingit
pansariling interest, laging iginigiit.
sa paglipas ng panahon, may pag-asa ding dumating
anong sarap naman ng simoy ng hangin
nagalak ang buong bayan, luminaw na ang paningin
panalangin ng manggagawa, tuluyan na sanang dinggin
isang bagong pinuno, isang bagong pag-asa
sa bayan naming mahal, nawawalan na ng sigla
pag-asang magbabangon sa dangal ng bawat isa
dangal na tanging yaman ng bawat mangagawa
sa paglipas ng bawat araw, unti unting napapansin
parang walang nagbabago dito sa bayan natin
bagong pamunuan, sa mga matang nakatingin
lungkot at kawalang sigla, mamamasda'y iyon pa rin
walang ipinagkaiba, ang paraan ng pamumuno
sa pinalitang pamunuan, sa dating nakaupo
sa halip na pag-asa, dala nitong bagong lolo
lalo lamang nagdusa, karapatan ay biglang naglaho
sa kabila ng lahat ng nangyayari sa bayan
ano't mayroon pa ring mapagsamantalang nilalang
ito'y ang mga hayop, mga ugaling gahaman
walang nasa sa isip, kundi pansariling interest lamang
ang bayan natin ngayo'y maihahalintulad sa isang gubat
'pagkat iba't ibang hayop, sa kapaligiran ay nagkalat
suso, linta, tuta, butiki, hunyango, bayawak,
pinaka marami ang palaka, na walang alam kundi pagkokak
ugali ng mga hayop sa aking kwento'y nabanggit
ang siyang taglay ng mga taong sa atin ay gumigipit
mga kapwa natin mangagawa, sa lolo ay sobrang dikit
di natin sukat akalain, sa ating puso'y anong sakit
papano na ang ating bayan,itinatag natin at minahal
kung ang mga namumuno'y, puro lamang daldal
sa pansariling interest lamang, tayo ang isinusugal
naka taya'y ang buhay natin, karapatan at ating dangal
hangang sa mga panahong ito, ganito ang ating bayan
tayong mga mangagawa gumawawa na lang ng paraan
upang makaahon tayo, sa paglubog sa kahirapan
masikip sa ating dibdib, sarili na lamang ang natutulungan
sa aking pag-iisip lagi na lang may tanong
tungkol sa bayang mahal, saan na nga ba hahantong
sa bawat isang lumilisan, wala na silang maipabaon
sa langit na lamang titigin, sa KANYA'y humhingi ng tulong
bago magtapos ang kwento mo, oh bayan ko
ang pangyayaring ito'y masakit para sa'yo
bayang umuunlad, pinabagsak ng mga palalo
katatagan mo aking bayan, manatili sana sa puso mo
sa aking pag-tatapos inyo sanang isipin
inyong ginagawa ang pamilya n'yo ang kumakain
inilalabas ko lamang lahat ng aking hinaing
tamaan man ang ilan, inyo na lamang tanggapin
hanggang dito na lamang, nasabi ko na ang lahat
sakit sa puso mo oh akign bayang nasasalat
nawa'y magpakatatag ka, labanan mo ang hirap
darating din ang panahon, babangon kang muli at uunlad
<<<<<<<<<<<<<<<WASAK>>>>>>>>>>>>>>>